Wednesday, September 1, 2010

Day 88 - Brunch

Gumising ako nang maaga para makasabay sa nanay ko sa pagpunta niya sa opisina para hindi na ako mag-commute papuntang Makati para mag-submit ng application form para sa JLPT, kaya hindi na'ko nakakain ng agahan sa bahay. Kaya dumaan ako sa Seattle's Best Coffee para kumain bago ako umuwi.

Ham and Cheese Sandwich with chips at White Chocolate Mocha ang inorder ko. May kamahalan pero masarap naman. Ang totoo, hindi ko naubos 'yung sandwich kaya umabot pa 'yung kalahati niyan sa bahay.

P.S. Bakit ako nagta-Tagalog? Kasi hindi ko alam paano i-English ang "sumabay ako sa nanay ko pagpasok niya sa opisina". 'Pag sinabi mo kasing "I went with my mom" parang sumama ako sa kanya, 'eh hindi naman.

1 comment:

Anonymous said...

naks..chips :P parang ang sarap ng brunch ah